Timbog na ng pulisya ang taong pinaghahanap ng batas sa bayan ng Quezon, Palawan dahil sa paglabag sa Anti-Fencing Law.
Kinilala ang naarestong indibidwal na si Rafael Barrun, 31 anyos, binata, magsasaka, at residente ng Sitio Iluluway, Brgy. Alfonso XIII, Quezon, Palawan.
Inaresto ang suspek ng mga tauhan ng Quezon Municipal Police Station (MPS) sa bisa ng Warrant of Arrest na ibinaba ni Judge Evelyn C. Cañete, acting presiding judge ng 6th Municipal Circuit Trial Court (Quezon – Dr. Jose P. Rizal-Kalayaan, Palawan) na may petsang Oktubre 23, 2020.
Sa spot report ng Palawan Police Provincial Office (PPO), nakasaad na dakong 8:30 ng umaga kahapon, Oktubre 30, 2020, nang madakip ang nasabing indibidwal dahil sa paglabag sa Presidential Decree No. 1612 o mas kilala bilang Anti-Fencing Law of 1979, isang batas na nagpapataw ng parusa sa sinumang bumibili o nagbebenta ng mga nakaw n iatem.
Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Quezon MPS ang suspek at nakatakdang ipresenta sa issuing court para sa tamang disposisyon. Samantala, inirekomenda naman ng korte ang ₱30,000 para sa pansamantala niyang kalayaan.
Discussion about this post