Makalipas ang mahigit limang taong pagtatago sa batas, kahapon ay tuluyan nang napasakamay ng mga otoridad ang isang suspek na may kinakaharap na kasong Estafa sa Lungsod ng Baguio.
Kinilalang ang naarestong indibidwal na si Rosanna Navarro Munsayac, 48 taong gulang, walang asawa, unemployed at residente ng 167 Brgy. Cut-cot, Pulilan, Bulacan at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Corong-corong, El Nido, Palawan.
Sa spot report ng mula sa Palawan Police Office (PPO), nakasaad na dakong 10:15 pm kahapon, September 17, 2020 ay dinakip ang suspek sa nabanggit na lugar ng joint personnel ng El Nido Municipal Police Station (MPS) bilang lead unit, mga tauhan ng Tourist Police Unit (TPU), PPO-Provincial Intelligence Unit (PIU), at Station 7 ng Baguio City Police Office sa bisa ng ibinabang Warrant of Arrest ni Judge Edilberto T. Claravall, presiding judge ng RTC Branch 60, Baguio City noon pang Marso 9, 2015.
Inaresto siya sa kasong Estafa sa ilalim ng Criminal Case No. 33111R (Service of Sentence).
Sa ngayon ay nasa kustodiya ng El Nido MPS ang nabanggit na indibidwal at nakatakdang ipresenta sa issuing court para sa tamang disposisyon.