Suportado ng Pamahalaang Panlalawigan ang adbokasiya ng National Task Force for the West Philippine Sea- Area Task Force West para sa munisipyo ng Kalayaan.
Kaugnay nito, muling nakibahagi ang Pamahalaang Panlalawigan sa isinagawang Awarding Ceremony at Mall Exhibit ng West Philippine Sea Digital Advocacy: TIKTOK Challenge Kabataan para sa Kalayaan 2022 na ginanap noong ika-27 ng Nobyembre, sa SM Mall Puerto Princesa.
Ang aktibidad ay inilunsad ng Area Task Force West, Information, Education and Communication Task Group na binubuo ng iba’t ibang mga ahensya na pinamumunuan ni Forester John Vincent Fabello na siyang Spokesperson ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD bilang nahirang na Chairman nito.
Sa ginanap na Tiktok Challenge naging kampeon ang entry ni Elvie Luenn Gayoc na pinagkalooban ng P10,000.00 na cash prize mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pamamagitan ng Peace and Order Program (POP) habang 1st runner up naman ang mga estudyanteng sina Paulo Jeff Tiongson at Pearlita Damayo na tumanggap ng P7,000.00 na cash prize at certificate mula naman sa LGU Kalayaan. Pinagkalooban din ng P1,000.00 ang walo pang nagsumite ng kanilang mga entry bilang consolation prize.
Ang layunin ng aktibidad ay mas lalo pang mapalaganap ang mga impormasyon tungkol sa munisipyo ng Kalayaan at mamulat ang kaisipan ng lahat, lalo ng mga kabataan sa mga totoong kaganapan sa West Philippine Sea.
Discussion about this post