Malaki ang posibilidad na masyadong mababa na ang pagtrato sa mga Pilipino ng mga Tsino, kung kaya’t nagpapatuloy ang kanilang ginagawang aktibidad sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ito ang nilalaman ng resolusyong ipinasa ni Board Member Roseller “Toto” Pineda ng Sangguniang Panglalawigan ng Palawan.
Sinabi ni Board Member Pineda, kailangang maipakita sa mga Tsino na ang Pilipino ay may karapatan sa mga islang sakop ng Pilipinas at kailangang ipakita ng mga ito ang pagrespeto sa bansang Pilipinas.
Ayon pa kay Pineda, hindi dapat mapagod o magsawa ang Sangguniang Panlalawigan sapagkat moral na obligasyon ng konseho ang bigyang proteksyon ang mga kababayan partikular sa gusot na nangyayari sa Spratly Island, lalo’t patuloy ang Tsina sa panghihimasok sa mga inaangking isla ng bansa na matatagpuan 200 nautical miles sa Exclusive Economic Zone (ECC).
Sa pahayag ni Pineda…” nagkakaroon ng problema dahil sa mga encroachment activities na ginagawa ng mga Tsino na pumapasok sa ating teritoryo o soberenya, kaya dapat ay hindi magsawa ang Sangguniang Panlalawigan sa abot nang makakayang tulong ng konseho, gusto nating maiparating ang hinaing sa mga ahensya katulad ng Defense [department], katulad ng DFA iba pang pwedeng makarinig sa ating hinaing dahil kung papansinin natin yung isyung ‘yan ay hindi lang ngayon, halos linggo-linggong naririnig natin ‘yan at kino-consider na national issues.”
Umaasa ang lokal na mabibigyang pansin ng National Government lalo na ng DFA ang kanyang resulosyon upang agarang matugunan ang isyu sa WPS, sa kabila na alam naman niyang hindi nagpapabaya ang pamahalaang nasyunal.
Matatandaan na ang legal battle hinggil sa bahaging ito ng karagatan sa mundo ay malaon nang pinagtatanggulian ng mga bansang Vietnam, Brunei, Malaysia at Taiwan, marapat pa ring magbigay ng kabatiran ang mga local na pamahalaang malapit dito katulad ng Palawan.
Idinagdag pa ni Pineda ang mga pahayag na….”when it comes doon sa diplomatic relations siguro, mahina yung ating personalidad sapagkat hindi naman pinapakilalaman ng ibang bansa doon sa kini-claim natin na mga area [pero] doon naman pumapasok yung mga Tsino hanggang ngayon hindi nga natin alam yan kung anong malapit na probinsya ng China dyan sa Spratly? Samantalang sa atin eh nasa loob mismo ng [Exclusive] Economic Zone within 200 nautical miles so ang affected talaga, dahil closer tayo dyan eh ang Palawan. Actually, noong nakaraan ng Sangguniang Panlalawigan mayroon na silang resolusyon na kinokondena nila yung ginagawang mga aktibidad dyan sa Spratly Island, meron pong support mostly from Mindanao na 5 probinsya. I-appreciate natin ang kanilang ginawa at sana maintindihan ng National Gov’t na bigyan ng diplomatic issue makabisita man lang doon yung ambassador ng China at Ambassador ng Pilipinas tingnan nga kung totoo o hindi?upang makita ang (katotohanan).”