Pinagkalooban ng Population Commission (PopCom)-MIMAROPA ng birthday gift pack si Emmanuel Fernandez, ang tinaguriang 100 millionth Filipino baby sa pagdiriwang ng kanyang ika-limang taong kaarawan noong ika-27 ng Hulyo. (PIO Palawan)

Provincial News

Ika-limang kaawaran ng ‘100 Millionth Filipino Baby’, binisita ng POPCOM-MIMAROPA

By PIO Palawan Provincial Government

August 01, 2019

Pinagkalooban ng Population Commission (POPCOM)-MIMAROPA ng birthday gift pack si Emmanuel Fernandez, ang tinaguriang 100 millionth Filipino baby sa pagdiriwang ng kanyang ika-limang taong kaarawan noong ika-27 ng Hulyo.

Pinangunahan ni G. Andy L. Pergis, planning officer II ang pagkakaloob ng gift pack kay Emmanuel kahapon, ika-30 ng Hulyo, katuwang sina Provincial Social Welfare and Development Officer Abigail Ablana at Gng. Rose de Vera ng PSWDO.

Masayang tinanggap ni Emmanuel Fernandez, ang tinaguriang 100 millionth Filipino baby ang birthday gift pack na ipinagkaloob sa kanya ng Population Commission (POPCOM)-MIMAROPA para sa pagdiriwang ng kanyang ika-limang taong kaarawan noong ika-27 ng Hulyo.

Ang birthday gift pack na ipinagkaloob ng POPCOM-MIMAROPA kay Emmanuel Fernandez, ang 100 millionth Filipino baby, ay naglalaman ng pagkain, damit, tsinelas, bag at iba pa.