Limang Chinese nationals ang kasalukuyang hindi mahanap ng kanilang mga kaanak pagkatapos na sila ay nag-island hopping dito sa lungsod ng Puerto Princesa.
Sa ekslusibong panayam ng Palawan Daily News kay Tourism Attaché to China Mr. Ireneo “Rene” Reyes, sinabi nito na nag-alala ang pamilya ni Ms. Tian Hua dahil hindi na ito makontak mula pa noong February 6, Miyerkules hanggang sa kasalukuyan.
“Right now hindi sila ma kontak and they are asking na matulungan namin silang makontak. Worried lang ang family,” pahayag ni Reyes.
Napaga-alaman na kasama ni Hua ang mga miyembro ng kaniyang pamilya nang ito ay hindi na makontak ng kanyang mga kaanak na naiwan sa China.
“Ang sabi wala na daw post sa WeChat at wala atang communication. Tinatawagan namin ang cellphone, di na makontak. So, baka daw nawala ang cellphone. They just wanted to get in touch.”
Ang WeChat ay isang popular na multi-purpose messaging at social media sa China at sa buong mundo.
Pinapahanap din ni Reyes ang kopya ng itinerary nila Hua.
“Ang naiwang pamilya dito [sa China] hindi rin nila alam kung saan ang papel kasi nag book sila online,” dagdag ni Reyes.
“Hindi namin masabi kung talagang nawala [o nakapunta] sa isang resort or lugar na walang signal,” saad ni Reyes.
Ayon kay Reyes, huling nakapagpost si Hua sa social media noong February 6 ng hapon.
“Nakita ko lang sa WeChat may post yung girl na nag-island hopping sila sa Cowrie,” saad ni Reyes.
Nagpadala ng text message si Reyes kay City Tourism Officer Aileen Cynthia Amurao kagabi, February 9, upang humingi ng ayuda para mahanap ang mga banyagang ito.
Ayon kay Amurao, nakipag-ugnayan na rin sya sa Coast Guard at ayon sa kanila lahat na nag-island-hopping sa Honday Bay mula pa noong February 1 hanggang sa kasalukuyan ay nakabalik “without any untoward incident.”
“We are currently doing all means to locate them,” pahayag ni Amurao.
Kung sino man ang may alam o nakakita sa kanila, ipagbigay alam agad sa mga otoridad.
Discussion about this post