Pinangunahan kahapon ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher Lawrence “Bong” Go ang pagbubukas ng Malasakit Center sa Ospital Ng Palawan (ONP).
Ayon kay SAP Go, layunin nitong matulungan ang mamayan o pasyente na walang kakayanan magpagamot.
Bibigyang prayoridad umano ang mga senior citizents at Persons With Disabilities (PWD) sa pamamagitan ng paglalaan ng priority lane. “Priority po ang mga senior citizen, alam naman natin na reality talaga pag umabot na tayo ng edad na 60 doon dumarating ang sakit at ayaw na natin bigyan ng burden ang mga anak natin sa pagpapagamot pwede sila mag avail sa center,” saad ni SAP Go sa isang presscon.
Base sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang Malasakit Center ay magsisilbing one stop shop na naglalayong maging kumbinyete ang mga pasyente na kukuha ng medical assistance mula sa ibat ibang ahensya gaya ng Department of Health (DOH), DSWD, Philhealth at PCSO.
“One stop shop po ito, programa po ito ni Pangulong Duterte para mapabilis yung medical services sa kanila in partnership with Philhealth, PCSO, DOH at DSWD para maging zero balance po tayo.” Pahayag ni SAP Go.
Kasabay nito ay ang pag turn over ni SAP Go ng limang milyong halaga ng cheke na mula sa president ng pangulo sa ONP upang magamit bilang tulong sa mga pasyenteng nangangailangan.
Ayon kay Dr. Melecio Dy, Medical Chief 1 ng ONP, ito replenishable fund at kung umabot nq ang nagagamit na pondo ay bibilisan umano nila ang liquidation para makakuha muli ng panibahong pondo mula sa national government bilang pansuporta sa pangangailangan ng mga pasyente.
Kahit sinong pasyente na may kahit na ano mang karamdaman na nangsangailangan ng pambayad sa ospital at kanila umanong tutulungan ba makalabas nang may zero bill sa ONP.
Kasalukuyan, bukas ang center mula alas otso ng umaga hanggang alas otso ng gabi. Nabanggit ni Dr. Dy na hindi maaring mag bukas ng 24 na oras ang Malasakit Center dahil sa mga kakailanganing personnel nito.
Unang nasubukan ang center sa Davao city at patuloy pang binubuksan sa ibat ibang mga lungsod gaya ng Cebu City, Iloilo at Bacolod City.
Discussion about this post