Ang Marinduque State College ang maaaring maging kauna-unahang unibersidad sa Marinduque kung tuluyang maisabatas ang panukala sa Malacanang. (Larawan ni Adrian D. Sto. Domingo)

Marinduque News

Marinduque State College bilang unibersidad, pasado na sa Senado

By Adrian Sto. Domingo

January 25, 2019

BOAC, Marinduque — Pumasa na sa Senate Education, Arts, and Culture Committee ang panukalang batas na naglalayong gawing unibersidad ang Marinduque State College (MSC).

Ang deliberasyon ng House Bill No. 1218 na iniakda ni Marinduque Lone Representative Lord Allan Q. Velasco ay pinangunahan ni Sen. Francis Escudero, chairman ng nasabing komite, na sinegundahan naman ng mga kasapi nito.

Hinihintay na lamang ng MSC na mapagtibay ito ni Pangulong Rodrigo Duterte upang ganap na maisabatas ang pagpapangalan sa eskwelahan bilang Marinduque State University (MSU).

Maging ang mga satellite campus ng MSC sa Sta. Cruz, Gasan at Torrijos ay tatawagin ding MSU kapag ito ay napirmahan ng pangulo.

Magkakaroon ng kalayaang pang-akademiko at otonomiya ang nasabing paaralan kung ito ay maisasakatuparang maging isang ganap na batas. (ADSD/PIA-Mimaropa/Marinduque)