Nasa larawan mula sa kaliwa Ms. Abigail Ablaña -Provincial Social Welfare & Development Officer; PMaj. Baby Jane Cosomo - PNP-PPO WCPD; PSInsp. Pearl Manyll Marzo - City PNP WCPD. Larawang kuha ni Sev Borda III / Palawan Daily News

Regional News

Mga programa at kampanya para sa mga kababaihan, pinapaigting

By Sevedeo Borda III

March 29, 2019

Sa taunang selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan na may temang, “We make change work for women,” naimbitahan sa Kapihan sa PIA ang head ng Provincial Social Welfare & Development Officer (PSWDO) at hepe ng Women’s Desk ng PNP Palawan Police Office at Puerto Princesa City Police Office, na saan kung tinalakay dito ang mga isyu at batas na patungkol sa mga kababaihan.

Ibinahagi ni Provincial Social Welfare & Development Officer Abigail Ablaña na sa PSWDO ay tuloy-tuloy pa rin ang mga adbokasiya ng mga batas para sa mga kababaihan at kabataan na sa ngayon ay meron nang mga aktibong KALIPI o Kalipunan ng Liping Pilipina sa labing anim na munisipyo sa Palawan na nagbibigay impormasyon tungkol sa mga karapatan nila.

“Sa PSWDO patuloy parin ung advocacy natin ng iba’t-ibang mga batas on women and children bukod doon yung ating maigting na campaign doon sa pagbuo ng ‘Kalipunan ng Liping Pilipina’ o ung KALIPI – women’s organization na nakamandato iyon sa social welfare offices. Right now, meron tayong labing anim na munisipyo na may aktibong KALIPI women’s organization, yung kalipi na yan isa sa arm natin para maging link doon up to barangay level sa pag bibigay ng tamang impormasyon, pagbibigay ng iba pang mga activities na nakikita natin kakaylanganin doon sa area,” saad ni Ablaña.

Sa hanay naman ng kapulisan, ibinahagi naman ni PMaj. Baby Jane Cosomo ng PNP – Palawan Police Provincial Office nag nagkakaroon din sila ng mga pagpupulong at house visitations para magkaroon ng kamalayan ang mga kababaihan at malaman ang mga karapatan nila.

“Yung sa prevention po naming Women and Children Protection Center (WCPC) ka tie-up din namin ang Police Community Relations (PCR) sa Family, Juvenile and Gender and Development (FJGAD) na nag coconduct ng dialogues, pulong-pulong, seminar sa mga schools nag hahouse visitation po sila para ma inform o ma aware yung mga kababaihan para po sa rights nila kung paano nila ma protect ang sarili at tyaka ang mga anak nila kung paano nila ma protect, ganun din po ang ating mga ka pulisan mga kababaihan nag foform po sila ng organization. May womens organization sila sa kanilang mga munisipyo. Doon po ini empower po nila ang mga kababaihan. May mga projects po sila at programs na ginagawa,” paliwanag ni Cosomo.

Dagdag naman ni PSInsp. Pearl Manyll Marzo ng Puerto Princesa City Police Office sa kanilang panig kasama ang city government ay nagkaroon na ng mga Violence Against Women and Children Desk (VAWC) sa mga barangay kaya na reresolba na kaagad ang mga problema sa barangay level palang.

“In addition sa sinabi ni ma’am, meron din naman kaming office ng WCPD. KamI rin po sa city police office ay katuwang namin ang city government natin through naman LCPC or Local Council Protection for Children at the same time meron din tayo VAWC Desk sa ating mga barangay. Ka tie-up din tayo when it comes sa mga lectures, sa mga dialogues, nakikipag coordinate tayo sa CSWD natin kung saan kung may gagawin sila mga barangay pertaining po sa mga kababaihan kasama po tayo doon. May mga meeting din po na isinasagawa yung VAWC Desk natin kasama rin po tayo. Doon po nababangit po natin kung ano po mga dapat gawin ng mga kababaihan and almost lahat ng barangays dito sa city meron na nga pong na activate na barangay VAWC Desk. Hindi na po masyadong nakakapunta satin dahil barangay palang ay naayos na kaagad yung problema,” paliwanag ni Marzo.