Lalaki pinagtataga sa El Nido, patay

0
308
- Advertisement -

Patay ang isang lalaki matapos itong pagtatagain kamakalawa sa Brgy. Pasadeña, El Nido, Palawan, pasado 5:30 P.M.

Nakilala ang biktima sa pangalang Yoki, habang ang suspek naman ay nakilalang si Nonoy Relata, 62 na taong gulang at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report ng El Nido PNP, habang naglilinis ng isda sa kanyang bahay ang suspek, dumating ang biktima kasama ang kaibigan nito at niyayang uminum ang suspek.

Sa kalagitnaan ng kanilang inuman, napag-usapan ng suspek at ng biktima ang lupang kinatatayuan ng bahay nito dahilan para magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa.

Maya maya pa, tumayo si Relata at kumuha ng patalim at walang pasabing pinagtataga si Yoki.

Dahil sa dami ng pinsalang tinamo ng biktima, agad itong binawian ng buhay.

Agad namang tumakas ang suspek at pumunta ito sa bahay ng dating kagawad ng barangay para doon ito sumuko.

Hawak na ngayon ng pulisya si Relata at sasampahan ng kasong murder.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here