Provincial News

18 mangingisda mula Antique, inaresto sa karagatan ng Roxas

By Jane Jauhali

April 27, 2022

Sa ginagawang seaborne patrol operations ng 2nd Special Operation Unit-Maritime Group sa pagbabantay, isang bangka nagngangalang “WELMAR” ang kanilang nakita sa karagatan ng Roxas, Palawan sakay ang 18 mangingisda na nagmula pa sa Batbatan Island, Bayan ng Culasi sa Antique.

Nilapitan ng mga awtoridad ang mga mangingisda at nakita sa mga ito ang  compressor at wala ding permit mula sa lokal na pamahalaan ng Roxas.

Kinumpiska ang kanilang kagamitan sa ilegal na pangingisda at sinampahan rin sila ng kasong paglabag ng Section 86 of RA 10654 at Provincial Ordinance No. 1643 Series of 2015.