QUEZON, PALAWAN — Nasabat ng mga otoridad ang nasa 202 na Mynah Bird o “kiaw” at pikoy sa isang caretaker sa loob ng tahanan nito sa Barangay Kinlugan, Quezon, Palawan nitong Hulyo 11.
Sa impormasyong ipinaabot ng mga otoridad, dahil sa isang concerned citizen agad silang nagsagawa ng operation sa tahanan ng suspek na si Joseph Quitaño alyas Tanggo at tumambad sa mga ito ang mga buhay-ilang na plano na sana ipuslit ng suspek.
Sa hindi inaasahan ay nakatakas naman suspek at patuloy na tinutugis kung saan mahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act ang nasabing suspek.
Ayon sa tagapagsalita ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) Mr.Jovic Fabello, sinabi nito na plano nang itakas ng caretaker ang mga buhay-ilang at ibibiyahe ito sa Maynila pero dadaan ito sa Batangas kUng saan nasa 1.4 milyon ang Black Market nito.
Samantala ang mga buhay-ilang ay nasa pangangalaga na ito ng PCSD.