Photo credit to MLS

Provincial News

40 anyos na lalaki, pinatay dahil sa utang

By Palawan Daily News

October 16, 2018

Wala ng buhay ng matagpuan ng ilang residente ng bayan ng Sofronio Española ang 40-anyos na lalaki sa Sitio Bagong Silang ng Sitio Iraray bandang 9:30 ng gabi, Oktubre 14, 2018.

Kinilala ang biktima na si Renato Favila, residente ng bayan ng Narra, may tali sa sa braso at hubo’t hubad na tila ba ay na-salvage.

Ayon kay Lodel Lota, hepe ng Sofronio Española, ay nagtamo ng isang malubhang tama ng taga sa likurang bahagi ng ulo ang biktima na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. “Base doon sa report sa atin ng PNP-Brookes Point, kusang loob naman sumuko ang suspek sa kanilang himpilan at inamin nito na siya ang tumaga sa biktima,” ayon kay Lota.

Ayon sa suspek na si Arwil esta ay nagkaroon sila ng pagtatalo ng biktima nang dahil sa utang nito na matagal ng hindi nababayaran ni Favila.

Hindi nagtagal ay lalo pang uminit ang sagutan ng dalawa hangang sa tagain na ito ng biktima. “According na rin sa suspek ay talagang pinahirapan niya ang biktima dahil sa talagang gusto nitong makuha ang perang pinautang niya dito. Dagil mas malaki itong suspek kaya niya numya nagawang hubaran at talian si Favila,” saad ng pulis. Matapos magawa ang krimen at agad na umalis sa lugar ang suspek at sumuko naman ito sa Brookes Point PNP at sa kasalukuyan ay may kasong murder na kahaharapin ito.