Huli ang 5 lalaki matapos na lumabag sa iligal na pangingisda sa bayan ng Cuyo, Palawan ganap na 2:30 AM ng Setyembre 22, 2021.
Sa pangunguna ni PLT Marvin R. Herrera OIC Cuyo Municipal Police Station, inaresto ang mga suspek na sina Andrew Caballero, 27 anyos; Jerald Lucero, 43 anyos; Reynaldo Azusina, 45 anyos; Freddie Sabares, 42 anyos; at Eugene Caballero, 60.
Ayon sa PNP, nagsasagawa ng seaborne patrol operation ang mga awtoridad nang mamataan ang isang bangka at nang lapitan ang mga ito ng Pulisya ay nakitang gumagamit ng compressor at iilan pang gamit sa iligal na pangingisda.
Nakatakdang pagmultahin ang mga ito dahil sa paglabag sa Provincial Ordinance 1643 series of 2015 amending section 3(3.1) at Provincial Ordinance no. 819 series of 2005 o illegal fishing.