Limampu’t anim na locally stranded individuals at Authorized Persons Outside Residence ang nakauwi sa lalawigan ng Palawan matapos ma-stranded sa ibang probinsya dahil ng ipinatutupad ng community quarantine bunsod ng COVID-19.
Ayon kay Cruzalde Ablaña, ang Palawan Incident Management Team Head, dumating ang mga nasabing APOR at LSIs kaninang umaga, 6:45 a.m. lulan ng barko ng Montenegro mula sa Iloilo na pawang mga residente ng Puerto Princesa habang ang iba naman ay mula sa mga munisipyo.
Agad anyang dinala sa quarantine facility ng probinsya ang mga ito at isinailalim sa Rapid Diagnostic Test bago pinauwi.
Sinabi pa ni Ablaña na ang mga mula naman sa mga munisipyo ay sinundo ng kanilang mga LGU at isasailalim sa 14-day facility quarantine.