Kasalukuyang ginagawa ang bagong Municipal Isolation Unit (MIU) ng Araceli.
Sa post ng “Palawan Araceli” kahapon, ipinakita ang ongoing construction ng MIU sa New Covered Court na matatagpuan sa Brgy. Tinintinan na mga __ kilometro ang layo mula sa kasalukuyang pasilidad para sa quarantine.
Ang nasabing hakbang ay alinsunod sa napagkasunduan sa nakaraang Municipal Inter-Agency Task Force (MIATF) meeting noong Hulyo 4, 2020 na kung saan ay iminungkahi ni Araceli Mayor Noel Beronio ang paglipat ng isolation unit na sinang-ayunan naman ng mga miyembro ng MIATF.
Ito umano ay sa kadahilanang ang kasalukuyang lokasyon ng MIU sa Municipal Covered Court ay nasa gitna ng Brgy. Poblacion na daanan ng mga tao.
Kabilang naman sa pasilidad na gagawin sa bagong MIU ay ang maayos na palikuran, daloy ng kuryente, suplay ng tubig at pahingahan ng mga magbabantay dito.
“Humihingi po kmi ng panalangin na nawa’y matapos ang pasilidad na Ito sa lalong madaling panahon sa ikapapanatag ng kalooban ng mga mamamayan ng Araceli,” ang nakasaad pa sa post.