Ipagpapatuloy ang pagsuporta sa mga local government units, pagtanggol sa mamamayan at patrimonya, ito ang ipinangako ng bagong hepe ng 3rd Marine Brigade nang pormal na umupo sa katungkulan.
Pormal ng nag-assume si Col. Charlton Sean M. Gaerlan ng katungkulan mula kay Brigadier General Nathaniel Y. Casem sa seremonyas na sinaksihan ng Philippine Marine Corps Commandant na si Major General Alvin A. Parreño,
“I would like to thank God for for all numerous blessings he has given me and my family. I would like to extend my deepest gratitude to all the Marines in the past who contributed to my development as a Marine officer,” saad ni Gaerlan sa kanyang talumpati.
Dagdag pa nito, “As a commanderI would like to assure the commandant that I will continue to uphold standard expected of the Marines and I will do my best in all activities.”
Kamakailan lamang ay nagsilbi rin ito ng dlawang linggo bilang Inspector General ng Marine Corps at naging positibo ito at walang naman insidenteng naganap.
Si Casem naman ay nagkaroon ng iba’t-ibang accomplishments nang ito’y nanunungkulan bilang commander tulad na lamang ng 43 major operations at 41,338 small operations na nagresulta ng anim na pagkahuli sa NPA at pagrecover ng 44 assorted firearms at ilang mga kagamitan.
Pinangunahan at sinuportahan din nito ang information support, civil at public affairs.
Sa kanyang pag-alis sinabi nito na dahil na rin sa suporta ng mga mamayan at ng local ng pamahalaan naging matagumpay ang mga programang kanilang nailunsad.