Isang binatilyo ang pinagtataga ng nakaalitang magkapatid at nasawi dahil sa matinding tama ng saksak nitong Linggo, alas sais ng gabi, Disyembre 16.
Nakilala ang biktima na si Edlyn Cabanting y Bati-on, 19 na taong gulang, walang asawa at residente ng Sitio Calitang, Barangay Bucana, El Nido, Palawan.
Ang mga magkapatid suspek ay sina Rey Redota y Barrientos, 36 na taong gulang, may asawa, construction worker, at si Ryan Redota, 21 na taong gulang, na pawang naninirahan sa Barangay Barutuan, El Nido, Palawan.
Sa inisyal na imbestigayson ng El Nido Municipal Police Station na pingungunahag ng imbestigador PO2 Cris Hamora, napag-alaman na ang biktima kasama ang kaniyang kapatid na si Edmon Cabanting y Bati-on ay nag-deliver ng kahoy sa kanilang kliyente malapit sa Taladtad Water Refilling Station na biglang nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at magkapatid na suspetsado dahil sa away sa lupa at dati pa nilang hindi pagkakaintindihan.
Dahil may dalang itak ang mga suspetsado, tumakbo ang biktima at ang kanyang kapatid ngunit naabutan ito at tinadtad ng saksak sa buong katawan gamit ang itak na ikinisawi ng biktima.
Dahil sa pag responde ni PO3 Rene Edenden kasama sina PO3 Kahal, PO2 Francia at PO2 Hamora, naaresto ang nakakatandang kapatid na suspek na si Rey, samantalang nakatakas naman ang kaniyang kapatid na hinahanap na ngayon ng mga otoridad.
Kasong kriminal ang inihanda ng mga otoridad laban sa dalawang suspetsado.