Provincial News

Dating police officer patay sa pananambang

By Imee Austria

June 18, 2018

Patuloy ang isinasagawang malalimang imbestigasyon ng Roxas Municipal Police Station matapos na pagbabarilin ng di umanoy riding-in-tandem ang dating pulis na kinilala si Larry Lilang, 46 anyos at residente ng Barangay Milagrosa, Puerto Princesa City.

Base sa impormasyon ipinaabot ng Palawan Police Provincial Office, habang naglalaro ng baraha ang biktima kasama ang dalawang kaibigan nito, bigla nalang umano nilapitan ng suspek at walang awang pinagbabaril ito sa ulo na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Ang biktima ay dating pulis at natanggal ito dahil sa pagkakasangkot umano sa illegal na druga.

Samantala, agad naman nakatakas ang mga suspek at sakay ng motorsiklo XL150 sa di natukoy na direksyon.

Kaugnay nito blanko naman ang pulisya sa tunay na pagkakakilanlan sa mga suspek.