Police Report

Driver ng pick-up na aksidente sa bayan ng Rizal, patay

By Jane Jauhali

May 12, 2022

Dead on arrival sa pagamutan ang driver ng pick-up na pula matapos ma overshot habang bumabyahe galing South patungong North sa Barangay Punta Baja, Rizal, Palawan.

Kinilala ang driver na si Timmy Lope Jacobo, 24 anyos, na nasawi, habang sugatan naman ang sakay nito na kinilalang si Emilio Cabitac Tibangin, 27 anyos, parehong residente sa nasabing lugar.

Ayon sa initial na imbestigasyon ng PNP, ganap na 3:10 ng hapon kahapon Mayo 11, habang bumabyahe ang sasakyan ng overshot ito patungo sa malalim na bahagi ng national highway ng Barangay Punta Baja, Rizal, Palawan, dahilan ng pagkasawi ng driver dahil sa tinamo nitong matinding pinsala sa katawan.

Dinala naman sa lungsod ang sakay nito at patuloy na ino-obserbahan dahil sa tinamo rin na mga sugat sa katawan.