Nasa larawan Marcelino Dile, Desk Officer ng Small Business Corporation ng DTI-Palawan. Larawang kuha ni Sevedeo Borda III / Palawan Daily News

Provincial News

DTI- Palawan, iminungkahi ang ‘Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso’ para sa mga maliliit na negosyo

By Sevedeo Borda III

March 17, 2019

Iminungkahi ni Marcelino Dile, Desk Officer ng Small Business Corporation ng DTI-Palawan, sa Kapihan sa PIA noong, Marso 15, 2019, kung saan pwede makapag-loan ang mga maliliit na negosyo mula P5,000.00 hangang P200,00 na may mas mababa na interest rate na 2.5% per month diminishing kesa sa mga informal lending na may interest rate na 5 to 20 percent.

“Ang main target ng P3 [Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso] talaga ang mga walang alternative sources of finance na napupunta doon sa mga informal lenders, normally po between 5 to 20 percent per month yung interest rate doon straight line pa po yun ,” Saad ni Marcelino.

“Interest rate maximum of 2.5% per month diminishing, pagsinabing diminishing po habang nag babayad po siya ng principal nag babawas po ang principal ang basis naman ng interest rate doon naman sa bagong balance hindi siya yung straight line na nakasanayan natin,” dadag ni Marcelino.

Binigyan diin ni Marcelino na mas malaki din ang maitutulong ng mga micro-financing institutions o cooperatives na mag papa-accredit sa kanila upang maabot ang mga malalayong lugar sa palawan.

“Malaking bagay po yung maka-acredit kame ng mas maraming cooperative kasi sila po ung mag reretail sa malalayong mga lugar ang retail po kasi ng P3 dito po muna namin initroduce sa Puerto Princesa sa dapat with in 10 kilometer radius from the office dahil micro financing ito more on monitoring, kasi hindi lang sya nag pautang lang… dahil loan siya kailangan bayaran dahil para maging sustainable yung program,” paliwanag ni Marcelino.

Para sa karagdagang impormasyon tunkol sa Pondo sa Pagbabago at Pag-aseso maaring bisitahin ang kanilang website; www.dti.gov.ph/p3 ; Small Business Corp. hotline (02) 751-1888 / (02) 813-5711.