BROOKES POINT, PALAWAN — Patay ang isang 14 anyos na estudyante matapos mabangga ang motor nito ng ambulansiya ng Bataraza Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa bahagi ng national highway ng Barangay Valles, Brookes Point, Palawan alas-11:00 ng umaga Hulyo 20, 2018.
Kinilala ang biktimang nasawi na si Harry Bill Cola y Baagin habang ang angkas nitong sugatan na si Jenny May Gines y Alimpolos.
Sa pahayag ng imbestigador na si P02 Nolan Alcantarapauwe ng Brookes Point Municipal Police Station, pauwi na umano ang nasabing ambulansiya sa bayan ng Bataraza noong mga oras na iyon ng makasalubong nito ang motorsiklo kung saan hindi sinasadyang naganap ang nasabing aksidente.
Samantala ang dirver ng ambulansya ay nasa kostudiya ing Brookes Point MPS at kinilala na si Ronald Sulangon.
Tumilapon ang driver ng motor na ikinasawi nito.
Samantala, ang driver ng ambulansya ay nasa kostudiya na ito ng Brookes Point MPS at kinilala na si Ronald Sulangon.
Posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide with damage to property and physical injury ang drayber ng ambulansya.