SOFRONIO, ESPANOLA — Timbog sa ikinasang operation ng Sofronio Española Municipal Police Station ang isang lalaki na may warrant of arrest sa Sitio Luntab, Barangay Pulot Shore, Sofronio Española Palawan noong July 22.
Kinilala ang suspek na si Cadaphy Asgali Amil, 39 anyos, at residente sa nasabing lugar.
Sa pangunguna ni P/Chief Insp. Lodell G. Lota, OIC ng police station, inaresto ang suspek dahil sa arrest warrant na pinalabas ni Judge Ramon Chito R. Mendoza sa kasong paglabag ng Republic Act 9165.
Ipinatupad din nila at ginalugad ang buong bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na pinirmahan rin ni Mendoza. Limang pakete ng pinaniniwalaang shabu at mga drug paraphernalia ang nasabat mula sa search.
Nakatakdang ipresenta ng otoridad si Amil sa korte bunga ng pagkahuli nito dahil sa warrant of arrest at mahaharap pa ito sa panibagong kaso dahil sa mga nasabat na droga dahil sa ipinatupad na search warrant.
Discussion about this post