image credit www.sieuthichungcu.info

Provincial News

nCov, tatalakayin ng Prov’l Board bukas

By Diana Ross Medrina Cetenta

January 27, 2020

Nakatakdang magsagawa ng joint meeting ang Committee on Cultural Heritage & Tourism Development at ang Committee on Health and Social Services, bukas, Jan.  28, ganap na ika-10:30 ng umaga sa OVG Lounge sa Legislative Building.

Pokus ng pagpupulong ang isyu kaugnay sa istatus ng 2019-Novel Coronavirus (2019-nCoV) sa probinsiya ng Palawan, at ang magiging resulta nito ay pagbabatayan sa gagawing lehislasyon.

Mamumuno sa naturang aktibidad sina Board Member David Francis “Bon” P. Ponce de Leon at Eduardo Modesto “Jay” V. Rodriguez, mga chairman ng Committee on Cultural Heritage & Tourism Development at Committee on Health.