Kinumpima ng Department of Labor and Employment (DOLE) Palawan na may panibagong pagdagdag sa minimum wage sa buong MIMAROPA.
Ito ay bunsod ng ginawang pag-aaral ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa rehiyon, ayon kay Bernie Toriano, namumuno ng DOLE Palawan.
Dagdag pa ni Toriano, sa darating na ika-27 ngayong buwan ng Nobyembre magiging epektibo na ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa.
Ang dating 300 pesos na arawang sahod ng mga manggagawang nasa ilalim ng establishementong may sampu pataas na empleyado ay sasahod na ng 320 pesos. At 283 pesos naman sa may 9 pababa na empleyado.
Kasunod ng panibagong pagdagdag sa minimum wage sa buong Palawan, nagbabala si Toriano sa mga establisyemento na tuparin ang batas. Sa katunaya’y maraming employer ngayon sa Palawan ang kasalukuyang pinagmumulta ng kanilang tanggapan at ang ilan ay sasailalim pa sa legal na usapin. (VM/PDN)