Provincial News

Paggamit ng videoke machines, nais limitahan ng Sangguniang Panlalawigan

By Gilbert Basio

October 15, 2020

Isinusulong sa Sangguniang Panlalawigan na limitahan ang paggamit ng karaoke, videoke machines at ano mang bagay o instrumento na lumilikha ng malakas na tunog at makakasira sa konsentrasyon ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

Base sa panuntunan, nais itong ipagbawal mula Lunes hangang Byernes 7:00 am hanggang 10pm kung saan busy ang mga guro at estudyante sa pagsasagawa ng modular o distance learning at online class.

Kaugnay nito, inaatasan ang lahat Municipal Government sa pamamagitan ng kanilang Sangguniang Bayan na magbalangkas ng ordinasa upang hindi maging hadlang ang malakas na ingay sa pag aaral ng mga estudyante.

Samantala na e-reffer na ito sa Committee of Rules and Laws sa Sangguniang Panlalawigan.