Kasalukuyang isinasagawa ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) ang kanilang tatlong araw na training para sa 23 mga munisipyo ng lalawigan.
Ayon kay Jovic Fabello, tagapagsalita ng nasabing tanggapan, ang training ay tinawag na “waste analysis and characterization study” kung saan tuturuan ang Local Government Unit sa pag-aanalisa ng kanilang mga basurang nakokolekta sa kanikanilang mga munisipyo. Ganun din ang tamang sistema ng segregation, collection and disposal nito.
Inihalimbawa nito ang mga basura sa bayan ng Coron na halos napupunta na sa mangrove areas dahil sa kawalan ng tamang imbakan.
Samantala, suportado ng PCSD ang mga hakbangin ng LGU at pamahalaang panlalawigan patungkol sa pagbabawal ng paggamit ng plastic sa Palawan. Kaya naman upang maging epektibo ang mga ordinansa at batas na ipinatutupad ng gobyerno patungkol sa kalikasan ngunit nasa kamay pa rin ito umano ng mga mamamayan.
Discussion about this post