Provincial News

Pinaghihinalaang kasabwat sa pamamaslang sa 2 pulis sa bayan ng Taytay, arestado

By Rex Valderrama

July 24, 2018

TAYTAY, PALAWAN — Inaresto ng mga operatiba ng PNP Regional Force Batallion ang isang 61 anyos na lalaki na pinaghihinalaang membro ng New Pepople’s Army na nang-ambush umano at nakapatay sa dalawang pulis ng Taytay Municipal Police Station noong ika-22 ng Hunyo 2018.

Sa panayam ng PDN kay Palawan Provincial Police Office Spokesperson Chief Insp. Ric Ramos sinabi nito na inaresto ang nasabing suspek matapos na maaktuhan malapit sa lugar kung saan narekober mula dito ang isang Improvised Explosive Device ( IED) , hand grenade, shotgun at mga bala ng kalibre 38 na baril.

Kinilala ang suspek na si Oscar Apostol Francisco, 61 taong gulang at residente ng Sitio Nagtakayan, Brgy Bato, Taytay, Palawan kung saan kinakaharap nito ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9516 at Republic Act 10591.