Huli ang tatlong indibidwal matapos na magkasa ng anti-illegal drugs buy-bust operation ang Bataraza PNP at 1st Palawan Provincial Mobile Force Company sa Sitio Bukid-bukid, Barangay Rio Tuba.
Kinilala ang tatlo na sina, Rowena Daunan Beligan, 31 anyos vendor, residente sa Sitio Bukid-bukid , Baranga Rio Tuba; Sulayman Musablim Abdulkadir, 53 anyos; at Mapor Salibara Hereral, 27 anyos, farmer, at parehong residente sa Barangay Inogbong, Bataraza, Palawan.
Ayon sa Report ng Provincial Police Office nagsagawa ng operation ang PNP ganap na 10:00 ng gabi ng December 1,2021 ng mahuli ang tatlo.
Nasamsam sa kanila ang isang pakete na hinihinalang ilegal na droga kapalit ang P1,000. Nakuha din sa kanilang pangangalaga ang tatlo pang pakete ng hinihinalang shabu na may timbang 0.6 grams, at mga iba’t-ibang uri ng paraphernalia.
Nahaharap sa paglabag ng violation ng Sections 5 & 11, Article II R. A. No. 9165, ang mga suspek.
Discussion about this post