Provincial News

Wanted, arestado sa Bayan ng Taytay

By Jane Jauhali

December 02, 2021

Arestado ng Taytay Municipal Police Station ang wanted person at rank no. 9 sa municipal level sa Brgy. Poblacion Bayan ng Taytay

Kinilala ang suspek na si Renato Merico Demadura a.k.a “Boyet”, 56 anyos, widower, mangingisda at residente ng Brgy.Liminangcong.

Sa bisa ng mandameyento de aresto na pirmado ni Judge Emmanuel Q. Artazo of RTC Branch 14, Taytay, nitong ika-19 ng Oktobre sa kasong Rape Under Article 266-A, at rape by sexual assault na may pyansang halaga Php 120,000.00.

Kaugnay niyan, ang lalaki nasa kostudiya na ng PNP para sa tamang disposisyon.