Police Report

Wanted person arestado ng PNP Aborlan

By Jane Jauhali

October 30, 2021

Arestado ang wanted person sa Purok Bayanihan, Brgy Jose P. Rizal,  Aborlan, Palawan  nitong  Oktobre 29, 2021

Ang suspek ay kinilala na si, JULIE CEPEDA MISSION, 48 anyos,  laborer at residente sa  Purok Maligaya, Zone 1,Brgy Tagburos, Puerto Princesa City at pansamantalang naninirahan sa  Purok Bayanihan, Brgy Jose P. Rizal, Aborlan, Palawan.

Sa pinagsanib pwersa ng Aborlan MPS, 2nd SOU-MG, Quezon SBU, PHPT-Palawan and 2nd Platoon, 1st Provincial Mobile Force Company PMFC bitbit ang warrant of arrest na permado ni Hon. Judge Jose Bayani J. Usman ng Branch 50(Family Court), Puerto Princesa City, Palawan nitong Hulyo 16,2021 sa kasong R.A. 7610 o child abuse.

May inilaang pyansa sa kaso ng suspek sa halagang P200,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.

Samantala nasa kostudiya na ng awtoridad ang suspek para sa tamang desposisyon.