Provincial News

Wanted Person sa Bayan ng Cuyo, arestado ng pulisya

By Diana Ross Medrina Cetenta

September 25, 2020

Halos isang buwan buhat nang mababaan ng warrant of arrest ay nadakip na ng Cuyo Municipal Police Station (MPS) ang isang taong pinaghahanap ng batas dahil sa kasong tangkang pagpatay.

Ang nadakip na indibidwal ay kinilalang si Ernesto Galvez Serbano, 52 anyos, may asawa, farm caretaker at residente ng Brgy. Cabigsing, Cuyo, Palawan.

Sa spot report ng PPO, nakasaad na dakong 2 pm kahapon, September 24, 2020 nang maaresto ang suspek ng mga kawani ng Cuyo Municipal Police Station (MPS), sa bisa ng warrant na ibinaba ni  Judge R. Arizala ng RTC Branch 52 noong September 1, 2020.

Inaresto siya dahil sa kasong attempted Murder (service of sentence) at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala niyang kalayaan.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng  Cuyo MPS ang nahuling suspek at nakatakdang ipresenta sa korte para sa tamang disposisyon.