Safety

China Goast Guard, pinagbabawalan ang western commands na makapaghatid ng construction materials sa WPS

By Jane Jauhali

December 20, 2022

Muling nagtagumpay sa mission ang Western Command na makapaghatid ng supply sa Ayungin Shoal sa kabila ng hamon ng China Coast Guard Vessel sa Philippine supply boat ng AFP na hindi maaring magdala ng construction materials dahil pag-aari ng China umano ang naturang area.

 

Ang matagumpay na pagre- resupply para sa mga nakadestinong sundalo sa lugar ay dulot ng determinasyon ng pamunuan ng Western Command na maihatid ang mga kinakailangang suplay sa BRP Sierra Madre na naka base sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

 

Mabatid na makailang ulit na humimpil at namalagi sa bisinidad ang tropa ng China Coast Guard at China militia Vessels na tila mayroong taglay ng paghamon sa Philippine supply boat.

 

Nanawagan din ang mga ito sa pamamagitan ng China radio na ang malapit sa Philippine ship ay pag-aari o jurisdiction ng People’s Republic of China, kasabay ng pagbibigay diin na mahigpit umano nilang pinagbabawalan ang mga sundalo ng Pilipinas na maghatid ng construction materials sa West Philippine Sea.

 

Nguni’t dahil buo ang loob at tunay sa nilalayon ng misyon, kabila ng hamon ng China Coast Guard, nagpatuloy naman ang Philippine supply boat na maihatid ang mga pangangailangan ng mga tropang naroroon sa lugar.

 

Ipinahayag ni Commander Vice Admiral Alberto Carlos ang kahalagahan ng BRP Sierra Madre dahil ito ang siyang ang nagsisilbing boya at bantay malapit sa Philippine outpost sa China’s military garrison sa Mischief Reef.

 

“The Mischief garrison is in our country’s exclusive economic zone and is China’s closest military facility to Palawan. That is why resupply missions are critical in maintaining our presence in Ayungin,” ayon sa Heneral.

 

Ang resupply mission ay ika-11 na ngayong taon, at matatandaan noong buwan ng Abril, 2022 hinarangan ng China ang entrada patungong Ayungin Shoal na mayroong mga nets at naglalakihang lubid bukod pa sa pagdeploy ng mga ito ng Chinese militia vessels at rubber boats, kasabay ng pagbabanta na hindi maaring magdala ng construction materials ang sasakyang pandagal ng pamahalaan ng Pilipinas.

 

Kalaunan, tinanggal din ang nets na nakaharang sa entrada ng Ayungin Shoal, hanggang sa tuluyang nakapasok ang supply, bagaman ang Chinese Coast Guard, militia vessels at rubber boats ay nanatili sa lugar.

 

“Our mission team has never requested permission to conduct resupply and other maritime operations in our territory and exclusive economic zone (EEZ),”  pagtatapos na pahayag ng pinuno ng Western Command.