Showbiz

Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

By Evo Joel Contrivida

May 02, 2020

Lingid sa kaalaman ng karamihan, inabutan na ng quarantine sa lungsod ng Puerto Princesa ang Dance Princess at Kapamilya Drama Actress na si Maja Salvador.

Sa panayam ng programang “Magandang Buhay” ng ABS-CBN nung May 1 sinabi nitong masaya ang kanyang karanasan sa pananatili sa lungsod kasama ang nobyong si Rambo Nunez, at sa bahay ng kapatid ni Rambo na si Yanee at asawa nitong si Chicoy sila nakikituloy sa ngayon, at ini-enjoy ang buhay probinsya.

“Nasanay na kami ng 9PM tulog na, tapos magigising kami ng 5:36 ang latest 7, maaga talaga, tapos mag wa-walk na kami ng 10,000 steps, favorite ko ang morning, magigising ka ng may bagong umaga pa ako, magandang umaga ako,” sabi ni Maja.

Mas relaks daw si Maja sa kanyang pag stay sa lungsod, lalo na raw ang bonding nila ng nobyo at ng mga kaanak nito.

“Sobrang saya kasi halos everyday nagwa-walk, kung hindi maka walk sa labas dito lang and then ang pinaka-bonding namin kunwari may maglu-luto, anu yung food natin for lunch, ganun yung bonding namin,” dagdag pa ng aktres.

Kahit nasa Puerto Princesa, sinabi ni Maja na in-touch pa rin sya sa kanyang pamilya sa Maynila, at nagagawa pa rin niyang tumulong sa mga nangangailan sa panahong ganito, isa sa naging proyekto nya ay ang #HomeButNotAlone kasama ang ilang kaibigang artista at ang nobyo.

Hindi na sinabi sa panayam kay Maja kung hanggang kelan nya plano manatili sa lungsod, matatandaang huling nakita ng publiko dito sa Puerto Princesa si Maja sa kanyang Mall Show sa Robinsons Place Palawan nung Marso 7.