Nais buhaying muli ni Board Member Al-Nashier M. Ibba ang Provincial Meet sa Palawan para sa paghahanda sa Palarong Pambansa.
Sa isang resolusyon na kanyang ipinasa sa Sangguniang Panlalawigan, pinaiimbitagan nito ang Kagawaran ng Edukasyon upang makatanggap ng abiso mula sa Department of thr Interior and Local Government (DILG) para maibalik ang Provincial Meet, upang sa ganon ay mapaghandaan ng mga atletang gustong mapabilang sa nakasanayang national event na Palarong Pambansa.
Aniya, tatlong taon ng nahinto ang mga atleta simula ng umarangkada ang pandemyang COVID-19.
Dahil sa resolusyon, nagkaroon na umano ng pag-uusap sa pagitan ng Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine Sports Commission, at ng DepEd National patungkol dito.
Ngunit noong nakaraang League of Municipalities of the Philippines (Palawan Chapter) meeting ay hindi sinang-ayunan ni San Vicente Mayor Amy Alvarez ang plano, dahil na rin sa kakulangan ng pondo, at dahil na rin sa marami pang mga eskwelahan ang dapat ayusin matapos sumalanta ang bagyong Odette sa Palawan noong nakaraang taon.
“Ang initial date this year December or January [by] next year ang Palarong Pambansa, kailangan kausapin natin yung DepEd baka mayroon nang mga pag-uusap o meron nang directive order from the DILG na kailangan na magkaroon na tayo ng Provincial Meet at the same [time] sa Municipal meet din po,” ani ni BM Ibba.
Aniya, kung ang problema ay ang kakulangan ng pondo katulad ng sinabi ni Mayor Alvarez, kung may suporta ang Provincial Government, at local school board ay makakaya umano itong maipagpatuloy
Handa rin naman umano ang bayan ng Bataraza kung sakaling mapili itong muli na maging host ng Provincial Meet.
“Bago nagkaroon ng pandemic, huling host natin sa bayan ng Bataraza at nakaready po yung ating mga facility. Sa katunayan, ang bayan ng Bataraza ay nakahanda [rin] kung pipiliin nila na maghost. Kung hindi lang nag-pandemic, supposedly, 3 consecutive years [na na maghohost ang bayan ng Bataraza,” dagdag pa ni Ibba.
Samantala, magpapadala naman ng sulat ang nasabing kumite sa DepEd Schools Division Palawan, upang malaman ang kanilang hakbang at maimbitihan na rin sa pagpupulong sa Sangguniang Panlalawigan.