Photo Credits to PMGEN Val T De Leon, Director for Operations and PNP

Travel & Tourism

Seguridad sa mga tourists spots, kailangang paigtingin, ayon sa PNP

By Claire S. Herrera-Guludah

July 18, 2022

Mariing inatasan ng pamunuan ng Philippine National Police ang lahat ng mga hepe at station commanders sa bansa na paigtingin, dagdagan ang visibility at maayos na magpatupad ng mga crime prevention measures sa lahat ng dako ng kanilang nasasakupan lalo na yaong mga tourists’ spots and destinations.

Matatandaan na mahigpit ang utos ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Philippine National Police para sa pagtiyak ng kaligtasan ng mga lugar sa bansa.

Inihayag ni PNP director for operations Maj. Gen. Valeriano De Leon ito ay bahagi ng recovery plan ng bagong administrasyon, kung kaya’t kailngang madagdagan ang mga pulis na itatalaga sa mga tourist spots sa buong bansa upang matiyak ang parehong lokal at foreign visitors na maging ligtas sa mga masasamang tao.

Ayon kay De Leon, dapat madagdagan ang intelligence gathering efforts para makilala ang mga kriminal sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, kung kaya’t ang mabilisang pagtalima sa kaatasan ay para sa lahat ng mga police commander hanggang precinct level at municipal police stations.