Travel & Tourism

Sitwasyon ng kalikasan sa Palawan, masusing pinagtalakayan ng mga ahensiyang may pangunahing responsibilidad dito

By Jane Jauhali

September 13, 2022

Masusing pinagtalakayan ng bumubuo ng Provincial Board Committee on Environment, environmental sectors at stakeholders’ kamakailan upang bigyang pansin ang kasalukuyang sitwasyon ng kalikasan sa Palawan.

Dumalo rin sa pagpupulong ang mga kinatawan ng Western Command, Civil Society, mula sa Provincial Environment and Natural Resources Office sa pamumuno ni OIC PENRO Zaldy Cayatoc, Palawan Council for Sustainable and Development (PCSD), Provincial Government ENRO, Tubataha Reaf Natural Park Management Office, Philippine National Police, at Bantay Palawan.

Bilang chairman ng komite, ipinahayag ni Board Member Ryan Maminta,ang presentasyon ay may kinalaman sa estado ng “kalikasan ng lalawigan sa Palawan”, dulot ng katotohanang kaunti na lamang ang namamasdang luntiang bahagi ng lalawigan.

“Nakakalungkot, dahil our environment is continuously degrading, ayon sa findings sa ginawang assessment. Dahil halos lahat ng bayan sa lalawigan ng Palawan ay kunti nalang ang makikitang “green”, so halos lahat ng bayan ay nagkakaroon ng kabawasan pagdating doon sa forested areas, lalo na yung “close forest” ang main culprit is agriculture in the settlement o mas kilala sa tawag na KAINGIN; kasama rin yung regular na agriculture practices so yun yung pinaka masasabi kung naging pangunahing bahagi ng presentation ng PCSD, PENRO at ng PG-ENRO. Ang action to be taken ay mag-uusap pa uli at magtatakda ng direction kung anu talaga yung dapat na maging mga hakbang sa mga susunod na mga araw. Dahil ang panawagan natin dapat ito ay hindi lamang isang ahensya ng pamahalaan ang kumikilos, kaya tayo nagpatawag ng pagpupulong para yung bawat ahensyang concern makasama at ang ating mga kababayan”, saad ni BM Maminta.

Sinabi pa ni Maminta “kung sa end local communist terrorist [group] mayroon silang whole of nation approach, sa atin naman ay whole committee approach ng mga Palaweno, para maibalik nito kung hindi man malagpasan ang status noong 1990 at mapanatili ang pagkakakilanlan sa Palawan bilang biostatic reserve”.

Matatandaan na ang forested areas ng Palawan ay maaaring  mapanatili , bukod pa sa pagkakilala ditto bilang  bilang biostatic reserve culture dahil hindi  naman maalis na ang lalawigan pa rin ang isa sa may pinakamakapal na forest cover nguni’t sa ngayon ay nasa kalagayang kritikal na.

Sa darating na ika- 21 ng buwang ito ng Setyembre ay muling magpupulong ang Environmental Protection sa Provincial Environment Natural Resources Office. Sa pangunguna ng PENRO at PG-ENRO, tiyak na mapag-uusapan muli ang gagawing hakbang at programa na kung saan ay malaking bahagi dito ang mula sa gagampanang responsibilidad ng Department of Environment and Natural Resources.