Press Release

Programang TEKKTOK para sa mga volunteer teachers at mga kabataang nangangailangan ng gabay sa modular learning, binigyang pansin ni Cong. Atty. Gil Acosta Jr.

By Press Release

February 03, 2021

Inilunsad ng Tanggapan ni Cong. Atty. Gil “Kabarangay Jr” Acosta ang programang TEKKTOK na kung saan ay malaki ang maitutulong sa mga volunteer Teachers na magkaroon ng allowance, habang sila ay nagtuturo sa mga kabataang hirap sumabay sa modular learning system. Partikular na sa mga mag-aaral na nakatira sa mga liblib na Sitio sa mga barangay na walang signal at walang access sa internet.

Ang programang TEKKTOK ay nabuo sa pangunguna ng Maybahay ni Cong. Acosta Jr. na si Atty. Michelle Marie Ricaza-Acosta na ang ibig sabihin ay “Tulong Edukasyon sa mga Kapatid na Katutubo TUPAD Orientation ni KabarangayJr”, na naglalayong magbigay ng kaunting tulong sa mga volunteer Teachers kung saan ang kanilang makukuhang allowance ay maaari nilang magamit para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Ang mga benepisyaryo ng programang TEKK TOK ay mga volunteer teacher at mga practice Teachers na mula sa Barangay Concepcion, Barangay San Rafael, Barangay Manalo, Barangay Tanabag, Barangay Langogan, Barangay Napsan, Barangay Simpocan at Barangay Bagong Bayan sa Lungsod ng Puerto Princesa. Mula naman sa bayan ng Aborlan ay ang Barangay Magbabadil, Barangay Cabigaan, Barangay Magsaysay, Barangay Apoc-apoc, Barangay Apurawan, at Barangay Culandanum.

Ang programang TEKKTOK ay tulong ni Cong. Atty. Gil “Kabarangay Jr” Acosta sa mga Volunteer Teachers at sa mga kabataan na nangangailan ng gabay para sa kanilang mga Modules. (P.R.)