Tigib ng pasasalamat at itinuring na naging makabuluhan ang nakalipas na ika-19 ng Setyembre dahil sa pagkakaloob ng The Rotary Foundation (TRF) Rotary International ng isang Global Grant Project sa Rotary Club of Narra Central ,Distrito ng 3830, bilang pioneer beneficiary.
Ang nasabing Rotary Club of Narra Central Global Grant ay ipinagkaloob na binubuo ng isang maternal and child health care mobile clinic with portable ultrasound.
Ito ay reyalisasyon ng Rotary Club Narra Central past at current presidents kasama na ang pamunuan ng Narra Municipal Hospital sa bayan ng Narra.
Ang proposal ay nabuo hango sa orihinal na bersiyon ng Buntis Congress Regular Outreach Project Prenatal Care na nauna nang isinagawa sa maraming barangay ng bayan ng Narra.
Nagresulta ang proyektong ito ng organisasyon katuwang ang pamunaun ng ospital, lalo na’t mga buntis na nahahihirapang bumiyahe pa ang nabigyan ng libreng prenatal care.
Bukod sa prenatal, ilang bitamina at mga lektura naman ang sabayang isinasagawa para sa mga teenage moms, o yaong maagang nabuntis na kabataan.
Sa pamamagitan ng proyekto, inaasahang mas marami pang bilang ng mgsa residente ng Narra ang mabibigyang atensiyong medikal.
Discussion about this post