Ipinagpatuloy na ng Puerto Princesa City Water District (PPCWD) ang konstruksyon para sa Ikalawang bahagi ng Montible-Lapu-Lapu River Project na sinimulan nitong Disyembre 9 sa Barangay Iwahig.
Ang nasabing proyekto ay sinimulan noong Octobre 2019 matapos na makakuha ng permiso galing sa Palawan Council for Sustainable Development at Joint Venture agreement sa pagitan ng PPCWD at Bureau of Corrections noong Agosto 15, 2019.
Gagamitin ng PPCWD sa kanilang proyekto ang mga ilog na Montible at Lapu-Lapu na matatagpuan sa Barangay Iwahig at Montible na kayang suplayan ang lungsod ng karagdagang 30 milyong litro ng tubig kada araw sakaling matapos na ang nasabing proyekto.
Sa kabila ng pandemya sinisigurado ng PPCWD kasama ang Bureau of Corrections at HG III Construction & Development Corp. na tuloy-tuloy ang pagsasaayos ng nasabing proyekto.
Sa ngayon ay nasa planning stage na ang PPCWD para sa mga karagdagan pang proyekto.