Binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) na kasalukuyang nasa 1,640 kilometers Silangan ng Mindanao.
“Ang Low Preasure Area dito po sa may malayong silangan ng Mindanao ay ganap nang isang mahinang bagyo at mayroong lakas na 45 km/hr malapit po sa gitna at 55 km/hr ang kanyang bugso,”
“Malayo parin ito sa anumang bahagi ng ating bansa, ngayon po ay nasa 1,640 km silangan ng Mindanao, mabagal din po itong kumikilos nasa 10 km/hr patungo sa direksyong kanluran, hilagang kanluran.” Pahayag ni Sonny Pajarilla, Chief Meteorological Officer ng PAGASA Puerto Princesa.
Ayon pa kay Pajarilla, ang Palawan ay inaasahang makakaranas ng pag-ulan lalo na sa bandang hapon o gabi.
“Dito po sa atin sa Palawan, pansin po natin halos maninipis yung mga kaulapan lalo higit ngayong umaga pero pagdating sa dakong tanghali, hapon at maging unang bahagi ng gabi inaasahan din po ang development ng thunderstorms dulot na umiiral na Easterlies,”
Bagamat mayroong inaasahang bagyo, hindi umano nito maaapektuhan ang mga mangingisda dahil wala pang ibinabang gale warning ang PAGASA hinggil dito.
“Kahit medyo may papalapit tayo na bagyo hindi po natin inaasahan na direkta itong makakaapekto sa atin kaya hindi po natin inaasahan na may pagtataas po tayo ng gale warning, so puwede po tayo pumalaot at maglayag ang mga kababayan na mangingisda throughout forecast period,”
Inaasahang mananatili sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang LPA sa loob ng 3 araw at madaling araw naman ng Sabado ay maaaring pumasok na ito sa bansa at tatawagin itong Bagyong ‘Bising’.
Discussion about this post