Office of the Provincial Agriculturist ng Palawan, patuloy ang malawak na serbisyo sa mga Palaweño

Photo Credits to PIO Palawan

Itinuring na nakakapagmalaki ang malawak na serbisyong pang-agrikultura na naipagkaloob ng Office of the Provincial Agriculturist nitong nakalipas na taong 2022 sa mga mamamayang Palaweño, at lalo pa ngayong pagsisikapang maging mas makabuluhan ang mga programa at proyektong nakatakdang ipatupad sa taong kasalukuyan.

 

Matatandaan na nakalinyada sa mga serbsiyong pang-agrikultura na naihatid sa iba’t- ibang panig ng lalawigan ay kinabibilangan ng pagbibigay panibagong kaalaman sa mga rice growers bilang pagtitiyak na ang mga aanihing butil ay tunay na de kalidad ang klase.

 

Naitala ng Office of Provincial Agriculturist na 10 mga accredited rice growers ng bayan ng Taytay at Narra, bilang mga nagmula sa itinuturing na rice granaries of the South and North ng Palawan, ang napagkalooban ng assistance sa ilalim ng “Provision of Assistance to Rice Seeds Growers” at ito ay nakapag- ani ng umaabot sa 4,458 bags ng dekalidad na palay.

 

Maliban dito, nakapagtala din ang OPA ng 2,155 na mga magsasaka mula sa iba’t ibang munisipyo sa 65 na iba’t ibang trainings at orientation hinggil sa Rice, Corn, High Value Crops, Fisheries at Organization Capacity Leadership.

 

Binubuo naman ng 14 na mga bayan na may 3,590 na mga magsasaka at mangingisda ang napagkalooban ng iba’t ibang technical assistance sa ilalim ng “Provision of Technical Assistance” sa pamamagitan ng farm and home visits at field monitoring at pagtuturo hinggil sa proper fertilization, pest and disease control, pruning, time of harvesting at iba pang kaugnay na kaalaman.

 

Samantala, ang OPA din ang siyang nagpatupad ng mga pagsasanay hinggil sa tamang pamamaraan ng pagtatanim, pagpapalago ng mga pananim, at demonstrasyon bilang aplikasyon ng kanilang natutunan sa aktuwal na pagtatanim sa mga itinakdang planting sites ng bawat lugar, kinatampukan ng 122 mga partisipante sa Farmers Field School (FFS) for Rice, Corn and Vegetable Production mula sa 3 bayan.

 

Ang nabanggit na ahensiyang pang-agrikultura ng lalawigan ay mayroon na ngayong 14 na demonstration farms kaakibat ang iba’t ibang uri ng makinarya.

 

Bukod sa mga nabanggit, ang OPA ay mayroon ding Sustainable and Innovative Agriculture o SINAG sa Balay sa Oma sa Brgy. Irawan, lungsod ng Puerto Princesa bilang pangunahing pasilidad na nagsisilbing “learning site” para sa mga magsasaka at mangingisda at iba pang grupo na interesadong matuto sa sektor ng agrikultura na ngayon ay sertipikado na ng Agricultural Training Institute MIMAROPA bilang Learning Site for Agriculture.

 

Itinala din ng Office of Provincial Agriculturist ang ilan pang programa at proyektong kanilang patuloy na ipinatutupad, katulad ng Provision of Technical Assistance para sa mga mangingisda sa ilalim ng “Fishery Management Services” ang regular na pagsasagawa ng Red Tide Monitoring at Agri Engineering Services at Food Always in the Home (FAITH Program), pagpapatuloy ng operasyon ng mga Provincial Agricultural Center (RAC) sa Brgy. Irawan, lungsod ng Puerto Princesa, Dumaran at El Nido.

 

Ngayong 2023, sinisiguro ng ahensiya na lalo pa ang kanilang gagawing pagsisikhay para matulungan ang mga magsasaka at mangingisda na mapataas ang antas ng kanilang kaalaman upang mapayabong ang kanilang mga sakahan at pangisdaan nang makapagbigay dagdag-kita at matiyak ang food security sa lalawigan.

Exit mobile version