1 ang nasawi sa engkwentrong nangyari bandang alas 6:00 Biyernes ng umaga, Abril 9, 2021, sa pagitan ng Philippine Marines at Communist Terrorist Group (CTG) sa Sitio Carangyan Brgy Concepcion Puerto Princesa City.
“Nagko-conduct yung ating 3rd marine brigade ng focus military operation nagkaroon ng chance encounter between the marines and the CTGs resulting doon sa pagkakasawi ng isang kalaban.” Ayon kay Colonel Sergio C. Vivar, Hepe ng Puerto Princesa PNP.
Ayon naman kay Colonel Stephen Penetrante, tagapagsalita ng Western Command (WESCOM), maliban lamang sa 1 nasawi, mayroon din na-recover ang mga personnel ng PNP na 1 submachine gun na gamit ng CTGs.
“Ginagawa po kasi ng ating mga kasundaluhan ng MBLT3 sa joint Task Group Force yung kanila po community support program sa mga communities natin upang maging daan po ng pagbibigay ng serbisyo sa ating mga populace ng gobyerno. At ganun po nagkaroon po ng encounter at ang initial report po natin isa po yung killed in action sa Communist Terrorist Group. At naka-recover ng 1 submachine gun ang ating mga kasundaluhan. Wala naman pong casualty sa ating government side.”
Dagdag pa ni Penetrante, kasalukuyan ay patuloy ang pagsasagawa ng clearing operation at pursuit operation sa nasabing lugar.
“Patuloy po ang clearing at saka po pursuit operation doon sa area po. Lahat po ng areas kung saan may presensya po ng mga CTGs ayan po ay binibigyang pansin ng ating mga kapulisan at ng ating security cluster ng PTF-ELCAC nang sa ganun po ay maprotektahan ang ating kababayan diyan sa mga isolated communities.”
Ang hanay naman ng City PNP ay mayroong mga checkpoints sa lugar upang maiwasan ang isa pang enkwentro.
“Yung sa amin nagpa-conduct ako ng checkpoints both ends para ma-preempt natin yung another attack. Nagconduct lang kami ng mga checkpoints lagi [sa lugar]. Tawiran [kasi] yan ng ating mga mga barangays ng Tagabinet.”
Sa ngayon ay inaalam pa paano nagsimula ang engkwentro sa pagitan ng dalawang kampo at kung bakit hina-harass ang mga residente sa nasabing lugar.