10 katao, arestado sa pagpalsipika ng mga dokumento para sa travel authority

Inaresto ng mga otoridad ang 10 indibidwal dahil sa “possession” at paggamit ng “palsipikadong mga dokumento” dakong 12:40 pm kahapon, Dec. 2, 2020 sa loob ng Natua’s Cabin sa Brgy. Bancao-Bancao, Puerto Princesa City.

Sa impormasyong nakalap ng Palawan Daily News, napag-alamang nakipag-ugnayan sa City Intelligence Unit (CIU) ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) ang isang reporting person/complainant mula sa Incident Management Team (IMT) kaugnay sa umano’y palsipikadong public documents na mga requirement sa pagkuha ng Travel Authority ng ilang mga indibidwal na sumasailalim sa quarantine sa pinangyarihan ng insidente.

Kinilala ang mga suspek na sina Rodel Paras Manliclic, lalaki, 54 taong gulang, residente ng L17B5 Rivera St. Kawayan Village, Marikina City; Jerick Hebia Garcia, lalaki, 45, residente ng Waterfall Balingasag, Misamis Oriental; Geneveve Hebia Garcia, babae, 48, residente ng 15th Legaspi Tower, Vito Cruz, Manila; Simplicio David Sodario, lalaki, 42, residente ng Mabini St., Masbate City;
Sherlie Tatoy Sodario, babae, 38, residente naman ng Mabini St., Masbate City;

Photo taken by PPCPO during the inquest today at Prosecutor’s Office, Hall of Justice

Kasama rin nila sina Mendelsohn Rocopuerto Diangson, lalaki, 59 taong gulang, residente ng 21 Rizal Arcade, Rizal Ext. Cutcut, Angeles City; Elisa Tibio Diangson, 64 taong gulang, residente ng 11-82 Jake Gonzales Blvd. Malabanias, Angeles City; Henry Salvador Mendoza, lalaki, 41, residente ng 23 Sitio Malinis St., Lawang Bato, Valenzuela City;
Dante Serrano Banico, 51, residente ng 3802-F Hazario St. Singkamas, Makati City;
at Jocelyn Macotocruz Mariazeta, babae, 55 taong gulang na residente naman ng Blk 49, Lot 25, Robinson’s Homes, Antipolo City, Rizal.

Nang maisagawa ang pagberipika at makumpirma ng mga otoridad na huwad ang naturang mga dokumento, ay inaresto ang mga suspek ng team ng City Intelligence Unit–PPCPO, Police Station 1 (PS1) o ang dating Mendoza PNP, NIG-WEST at WEST 22 sa ilalim ng superbisyon ni PMaj. Mervin S. Immaculata.

Sa kasalukuyan ay naihain na laban sa mga suspek ang kasong paglabag sa Article 172 (Falsification by private individual and use of falsified documents) ng Revised Penal Code of the Philippines.

Exit mobile version