18 kandidata para sa Mutya ng Palawan 2023, ipinakilala na

Photos credit to PIO Palawan

Pormal nang ipinakilala ng Mutya ng Palawan Committee ang labingwalong opisyal na kandidata para sa Mutya ng Palawan 2023 nito lang Hunyo 13, 2023 sa isinagawang Sashing Ceremony at Press Presentation sa VJR Hall ng gusaling Kapitolyo.
Ang labingwalong kalahok sa Mutya ng Palawan 2023 ay sina:
1. Sheryll Shane B. Igpalina ng Taytay
2. Shara Maxine Mendoza Barber ng Kalayaan
3. Myra Mansuri Etos ng Brooke’s Point
4. Almera Dalojo Rosadenio ng Narra
5. Anfea Marie Rabang Valledor ng Cuyo
6. Karla Lozada ng San Vicente
7. Angelika S. Cruz ng Busuanga
8. Patricia Loren B. Muñoz ng Roxas
9. Patricia Morren Astacani ng Cagayancillo
10. Xianne Caileigh Francisco ng Quezon
11. Bernadette Thalia Abdulkahal ng Sofronio Española
12. Francine Gonzales ng Dumaran
13. Jenefer Escubin Arzaga ng Rizal
14. Maria Patricia Louise S. Dinoy ng Bataraza
15. 15. Franchezka Yna Elevera ng Culion
16. Sitti Norhalisa U. Villacora ng Balabac
17. Camille Jean Tahajudjii ng Agutaya
18. Christine Andrea Sison ng Linapacan
Samantala, nakatanggap naman ng P3,000 cash prize si Mutya ng Kalayaan Shara Maxine Mendoza Barber na itinanghal bilang Darling of the Press sa pangunguna nang pagpili ng Provincial Information Office at ilang kawani ng media sa lalawigan. Nakamit naman ni Sitti Norhalisa U. Villacora ng Balabac ang Best in Arrival Outfit sa ginanap na aktibidad sa iginawad ng Provincial Torusim Office.
Ang Grand Coronation Night ng Mutya ng Palawan 2023 ay gaganapin sa Hunyo 22 sa PGP Convention Center sa Caiptol Grounds.
Ang nasabing aktibidad ay taonang inaabangan ng mga palawenyo sa Baragatan Festival kasabay ng ika-121 anibersaryo nang pagkakatatag ng Gobyerno Sibil.
Exit mobile version