18 mga barangay sa Puerto Princesa, tumanggap na ng 2nd quarter allowance

Matagumpay na naipagkaloob sa labing walong (18) barangay ng lungsod ng Puerto Princesa ang 2nd quarter allowance sa mga rural barangays nitong Mayo 18.
Ang Senior Citizen Assistance Program, Persons with Disability (PWD) Assistance Program, Student Assistance Program, at Barangay Tanod Assistance Program ay bahagi ng mapagkalingang programa ng Mega Apuradong Administrasyon ni City Mayor Lucilo Bayron.
Pinangunahan din ng mayor kasama ang ilan sa mga konsehal ng Sangguniang Panlungsod ang pamamahagi ng benepisyo sa mga barangay, kabilang na dito ang:
-Bgy. Langogan
-Bgy, Binduyan
-Bgy. Concepcion
-Bgy. Tanabag
-Bgy. San Rafael
-Bgy. Babuyan
-Bgy. Maoyon
-Bgy. Lucbuan
-Bgy. Maruyugon
-Bgy. Manalo
-Bgy. Salvacion
-Bgy. Cabayugan
-Bgy. Tagabenit
-Bgy. Buenavista
-Bgy. Macarascas
-Bgy. Bahile
-Bgy. Sta. Cruz
-Bgy. Bacungan
Samantala, tuloy-tuloy naman ang mga proyekto ng Pamahalaang Panlungsod para sa mga mamamayan nito.
Exit mobile version