2 kumpanya ng langis sa Palawan, unang tumugon sa panawagan na ibaba ang presyo

Photo by Lance Factor /Palawan Daily News

Unang nagpatupad ng rollback sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang Caltex at Petron sa Palawan.

Ayon kay 2nd District Board Member Ryan Maminta, ang rollback ay tugon umano sa pakiusap ng Sangguniang Panlalawigan. Sa ibinahaging text message ni 2nd District Board Member Ryan Maminta mula sa 2 kumpanya ng langis noong Lunes, una umanong nagpatupad ng rollback ang Caltex at sinundan ito ng Petron.

“Effective Mar 2, 2021, Chevron Philippines Inc.(Caltex) will DECREASE fuel prices of Platinum by 5.70Php/L, Silver by 5.70 Php/L. Diesel by 4.06 Php/L Thank you.” text mula sa Caltex.

“Hi All Good Evening, Effective tomorrow please pe advised that prices will be: ADO: 46.85 XTRA: 59.54 XCS: 60.29,” mensahe naman mula sa Petron.

Paglilinaw ni Maminta, kanilang pinakiusapan ang lahat ng kumpanya ng langis na nag-o-operate sa Palawan. Umaasa ito na sususnod ang iba pang kumpanya lalo na at naunang tumugon ang dalawa sa “Big 3” oil companies sa Pilipinas.

“Kung susunod sila, much better. Pero kung hindi sila sumunod bahala sila sa mga customer nila pupunta man yan sa Caltex at Petron. Imagine, kung magpa-krudo ka ng 100 Litro, makatipid ka ng 5 [pesos kada litro] eh di 500 [pesos] yun,”

Samantala, sa bisa ng ipinasang resolusyon kahapon, Marso 2, 2021, hiniling ng Sangguniang Panlalawigan sa Senado na imbestigahan ang mataas na presyo ng produktong petrolyo sa Palawan.

“Aprubado na yan. Dadalhin na yan sa Senado para tuloy-tuloy ang imbestigasyon sa pamamagitan ni Sen. Gachalian. From there, malaman natin talaga. And then, now, kung sasabihin sa imbestigasyon sa Senado ‘lamang talaga kayo ng P10 eh’ ‘diba, so let’s meet half-way kung P10 talaga lamang ninyo. All things considered, transport, taxes and everything else tapos lumabas na P10 parin ang lamang talaga, baka puwede namang babaan natin. Kahit sabihin nating 50% to 70%, kita pa rin sila ng 3 [pesos] kada litro. Net na kita na yun if ever.”

Exit mobile version