Priority High Value Target kaugnay ng iligal na droga, arestado sa Puerto Princesa

Arestado ang isang Priority High Value Individual sa Puerto Princesa kahapon sa ikinasang buy-bust operation ng City PNP.

Sa spot report na ipinaskil ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) sa kanilang official social media page kahapon, kinilala ang suspek na si Percy Nofuente Cacatian a.k.a. “Dodoy,” 28 taong gulang, lalaki, binata, bet taker (kristo) at residente ng Purok Maligaya, Brgy. San Jose, Puerto Princesa City.

Ayon sa mga awtoridad, nadakip ang suspek dakong 5:35 PM kahapon, Mayo 11, 2021 ng mga kawani ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU), kasama ang PDEA-MIMAROPA.

Sa ibinahagi pang impormasyon ng pulisya, nakasaad na nahuli ang nasabing indibidwal nang makabili ng isang pakete ng pinaghihinalaang shabu ang confidential asset ng CPDEU kasama ang isang police operative kapalit ng P2,500 marked money. Nakumpiska rin umano mula sa kanyang pag-iingat ang buy-bust money at ang isang Suzuki Raider na motorsiklo.

Sa ngayon ay hawak na ng PPCPO ang suspek at ang mga nakumpiskang illegal drugs ay dinala naman sa City Crime Laboratory Office para sa pagsasagawa ng drug test at laboratory examination.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of2002.”

Exit mobile version