7 vehicular accidents sa Barangay Sta. Lucia, naitala

Base sa ibinigay na datos na ibinihagi ni PCpt. Joy Catain DeCastro Iquin, tagapagsalita ng Puerto Princesa City Police Office, simula Enero 2022 hangang Hunyo ay pitong aksidente na sa kalsada sa Barangay Sta. Lucia ang naganap at apat na ang binawian ng buhay.

Matatandaan noong Pebrero 16, isang dalagita ang binawian ng buhay sa banggaan ng dalawang sasakyan at noong May 16 bumangga naman ang isang kotse sa puno na ikinasawi ng dalawang katao.

Makalipas ang ilang araw May 28 isang matandang lalaki naman ang nasawi matapos mawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang driver ng pampasaherong van.

Ayon naman kay Department of Public Works and Highway 3rd District Engr. Arthur Torillo, madalas ang aksidente ay pakurbada, at kapag maulan ay madulas ang kalsada.

“Kaya madalas ang aksidente dito yong kurbada po ito tapos kapag maulan po madulas yong kalsada…tulad na lamang po sa nangyari dati sa area natin sa Brgy. Kamuning  diretsuhan naman po yong kalsada pero ang laging dinadahilan ng mga drayber na kalsada parin po ang problema,” ani Torillo.

Dagdag pa nito noong dalawang lane palang ang kalsada hindi naman ganun kabilis ang pagpapatakbo ng mga drayber o motorista.

“Siguro po panahon na po para maging proactive po tayo…’yung mga drayber natin naman sana mag-ingat po sa pagmamaneho…dahil simula po nong lumapad ‘yung kalsada doon po dumami yong aksidente,” dagdag nito.

Samantala, payo naman ni Engr. Torillo sa mga drayber na mag-ingat ganito na may aksidente.

“kung mayroong ganitong mga aksidente sana po itong mga drayber  natin ay mag-iingat na po sa susunod na mga biyahe po tulad nalang sa mga kalsadang ganito [Sta. Lucia],” saad ni Torillo.

Exit mobile version