Na-promote ang apat na opisyal ng 3rd Marine Brigade kamakailan lamang.
Lubos na ipinagnamalaki ng 3rd Marine Brigade sina Major Glenn Llorito PN (M), Major Ryan F. Lacuesta PN (M), Major Rafael A. Naranjo PN (M), at Captain Wanel M. Ansa PN (M).
Ang parangal at promotion rights ay pinangunahan ni Colonel Antonio G. Mangoroban Jr. PN (M)(GSC), Commander ng 3rd Marine Brigade, na isinagawa sa Headquarters ng 3rd Marine Brigade, Marine Base Rodolfo Punsalang, Barangay Tiniguiban, Puerto Princesa, Palawan, kahapon, Abril 17.
Ipinakita ng mga nabanggit na opisyalang kanilang pambihirang kadalubhasaan at dedikasyon na nakatuon sa kanilang mga mga trabaho, kaya naman nararapat na maging mataas ang kanilang mga posisyon bilang mga pinuno ng mga marino.
Dagdag ng 3rd Marine Brigade, resulta din umano ito ng kanilang sipag at pagpupursigi sa kanilang adhikain sa ilalim ng misyon ng Philippine Marine Corps.